Kakatapos lang ng exams namin. And it was so GRRRABBEEE! nakakastress ang PHYSICS. Mas mahirap pa sa MATH! For whoever invented Physics, CURSE YOU! CURSE YOU! Naku I really need to relax.
"Shannie! Cay! Post coffee tayo!" Sabi ko kay Shannie at Cay Bffs ko habang nililigpit namin yung mga gamit namin. Bff ko sila kaya nga hanggang grades namin bff din hahaha. Panu ba naman halos sa lahat ng subjects eh pare-parehas yung grades namin. Sabi nga nila, "WALANG IWANAN!"
"Sige bah!" sabi ni Cay
"Oo nga. Para makapagrefresh naman tayo" excited na sabi ni Shannie.
"Grabe talaga si Prof no! Ang hirap ng exam! Grabe! Parang luluwa yung utak ko kanina" -Shannie habang naglalakad kami sa hallway palabas ng school.
"Oo nga! Hindi man lang naawa!"
"Bumawi na lang tayo sa susunod na ex--" naputol ang sinabi ni Cay at nakatingin sa mayalo halatang shock siya. Nagkatinginan naman kami ni Shannie at sinundan kung saa nakatingin si Cay. Nakita namin si Alex, the love of my life kaya napangiti ako. Pero napansin kong may kasama siya. Si Gelie. Yung nililigawan nyang beach este bitch. Nawala yung ngiti ko. Ang sakit lang!
"Oh My Gosh! Kate. Bakit magkasama sila?" Cay
"Malamang nililigawan ni Alex si Gelie" pilosopong sagot ni Shannie
"So ikaw na ngayon si Kate?" Cay
"Whuaah... Anu ba naman yan masakit na sa utak, masakit pa sa puso!" mangiyakngiyak kong sabi. "Tara na nga" hinila ko na yung dalawa.
*Post Coffee House
"Grabe nakakarelax talaga dito noh pagpasok pa lang" ang ganda kasi ng ambiance ng place tapos ang cute pa! Yung coffee shop puno ng sticky notes. Free to post what inside your head and what you feel.
"Whuaaahh! Gutom na ako! Sige Cay order kana!"
"Oh!? Bakit ako?"
"Eh alangan ako? Hindi na kaayo naa broken heated na nga ung tao eh" sabi ko tapos nagpout
"Eh ikaw na lang no!" Shannie
"Sige na nga! Anu ba sa inyo?"
"The usual"
"Cappucinno Frappe and Chocolate cake!!!" sabay naming sabi favorite namin yun.
Hay salamat kahit papaano nabawasanyung sakit na nararamdaman ko. Dati akala ko may pag-asa ako. Wala pala. Halos isang taon narin simula nung nagustuhan ko si Alex. Ang gwapo niya! Matalino, mayaman, at captain ng soccer team namin, ang bait pa! Pero nagustuhan ko talaga sya kasi unang kita ko palang sa kanya bumilis agad si heart.
"Ui! Kate! Naalala mo pa ba yung unang post mo dito?" tanong ni Shannie
"Ha? Oo naman no! Eto Yun oh! " turo ko sa kulay pink na sticky notes na medyo na tabunan na sa dingding. Dito halos nakalagay yung mga notes namin dito kasi ang favorite spot namin. "Shoot for the moon even if you miss it you will land among the stars. June 2, 20** with Shannie & Cay ~K" basa ko dun sa first post ko.
"Dito natin binuo yung pangarap natin" sabi ng kadadating lang na si Cay.
"Oo nga!" - Shannie
Habang nakatingin ako sa mga post dun sa wall napansin ko yung isa kong post. Yung post ko last week 'ang sakit! well I guest HAPPY ENDING is not for me' ito ying post ko the day bago ko nakita yung fb post ni Alex na ' Mahal ko talaga siya' tapos kinabukasan nun nakita kong magkasama sila ni Gelie. Umiyak pa nga ko nun eh! Tapos mag-isa akung pumunta dito. Kaya ko nasulat yan. Napansin ko din na may nakapost doon sa pinost ko ' Happy Ending is not for you, Happily ever after does ~ X' talaga lang ha? Eh wala ngang forever eh! Kaya nagreply din ako ' Well I only believe in happy ending, happily ever after? Forever? Nothings permanent ~K'.
Pagkatapos naming kumain umalis agad kami at nag-abang ng taxi.
"Hala! Wait! Lang yung phone ko nasan na?" pagpapanic ko. Naku nakahiya naman wala yung passcode tapos picture ni Alex yung wallpaper ko. Paano na lang pagmaynakakita noon tas akalaing kay Alex yun at sa kanya ibabalik. Naku! Tanga mo talaga Kate!
"Baka naiwan mo sa loob" - Cay
"Ay! Oo nga no? Balikan ko muna sa loob. Hintayin nyo ako ha?"
"Bilisan mo. Baka malate tayo sa next class natin" -Shannie
"Oo"
Sa sobrang pamamadali ko may nakabangga akong lalaki, papasok ako. Sya naman paalis.
"Hala sorry" yumuko ako at pumaok na sa shop. Di ko n tiningnan yung mukha ng nakabangga ko. Nakita ko yung phone ko sa table kinuha ko pero bago ako umalis may nahagip yung mata ko. Grabe! May reply agad!? ' It will come for those who believe. By the way nice wallpaper Kate ~X' ano!? Kilala nya ako!? Stalker siguro. Pero! Whuaaahhh!!! Nakakahiya! Nakita nya yung wallpaper ko! Naku schoolmate ko to tapos ipagkakalat niya na si Alex ang wallpaper ko. Tapos malalaman ni Alex! Whuaaahhh I'm dooooommeedd!!! 'Hoy! kung sino kaman! Huwag mong ipagkalat yung nakita mo! Kundi lagot ka talaga sa akin! Teka? Panu mo ako nakilala eh inital ko lang an nilalagay ko, sinusndan mo ba ako? Stalker ba kita? ~K' pagkatapos kung magsulat pinost ko agad yun.
"Oh bakit ganyang mukha mo!? Ang pale te!" Shannie
"Yan kasi Anemic! Hahaha" Cay
"Hindi! Ganito kasi..." kinwento ko sa kanila yung nangyari.
"Hala ka Kate. Stalker yan! Ahahaha" tingnan mo mga to. Pinagkaisahan ako.
*Kinabukasan
Nawala sa isip ko yung pagiging heart broken ko dahil sa reply post dun sa Post Coffee House. Sino kaya yun? Naku kung stalker nga yun, nakakakilabot naman!
"Kate!" sigaw ni Shannie at Cay pagbaba ko palang ng jeep.
"Oh?"
"Ang tagal mo naman!" Cay
"Alam ko. Tara nana nga baka malate pa tayo!" hinila ko yung dalawa papasok ng school. Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin si Alex kasama si Gelie. Nakakainis naman! Umagang umaga naglalandian. Yung kamay ni Gelie nakapulupot kay Alex. Ito namang Si Alex gustong gusto din. Ang lawak ng ngiti eh! Mapunit sana yang lips mo! Naalala ko tuloy yung fb post niya kagabi. 'The feeling is mutual. She also like me ❤ I'm in Cloud 9' Psssh! Obvious naman na gusto sya ni Gelie eh! Nung papalapit na sila sa amin. Tumingin siya sa akin at wait... Did he just..
" Did he just smirk on us?" Cay
"Don't think so. I think he just smirk on Kate" Shannie
"Whuaaahhh paano kung alam nya na na may gusto ako sa kanya? Paano kung sinabi nung stalker ko sa kanya? Whuaaahhh anung gagawin ko friend!?" mangiyakngiyak kong sabi.
"Hala! Paano nga kung alam nya na? lagot ka talaga" Shannie
"Bumalik kaya tayo dun sa PCH maya" Cay
"Oo nga!"
*Post Coffee House
Pagpasok pa lang namin ng PCH dumeretso agad kami sa usual spot namin and.
"OMG! Kate! May reply!" Shannie
' kay gwapo ko namang Stalker, and don't worry your secret is safe with me. ~X'
"Oh! Safe naman daw sa kanya" Shannie
"Hindi tayo makasiguro Shannie hanggat hindi pa natin nasisiguro kung sino talaga yan nagsulat nyan " Cay
"OMG! Kate! Tingnan mo to oh!" turo ni Shannie dun sa sticky note hindi kalayuan.
'I will only love KATE FRIAL ~X'
'I will only love KATE FRIAL ~X'
"Hala obsess na yan sayo Kate" Cay
"Naku baka di mo alam habang natutulog ka pumapasok yan sa kwarto mo" Shannie
"Anu ba! Tigilan nyo nga ako! Kilibutan nga kayo sa mga pinagsasabi nyo! Pahingi ngang sticky notes!"
'Pinagsasabi mo!? Hindi nga kita kilala eh ~ K'
* After 5 days
Nandito ako ngayon sa PCH ang boring sa bahay eh! Mag.isa lang ako ngayon kasi yung dalawa umuwi sa kani kanilang mga magulang, susulitin daw nilang yung long week end eh. May reply na naman si Mr. X
'Maniwala ka! Mahal kita. ~ X'
'Bakit pa ako magpapakilala? Eh kilala mo na ako. ~X'
' ui! Galit ka? Reply ka naman ~X'
'Kate? ~X'
'Ilang araw na kitang inaabangan dito. Pero hindi ka dumating. Ok lang yun. Nakikita naman kita sa school. Masaya na ako. Have a happy weekend Kate ~~X'
Ibig sabihin schoolmate ko to? Eh wala naman akung natatandaan na schoolmates ko na tumatambay dito eh. At kilala ko daw sya. Wala naman akong kilala na sa X nagsisimula ang pangalan eh!
'Pinagloloko mo ba ako? Hindi nga kita kilala eh! ~K'
Lumapit na ako dun wall at idnikit don yung post ko. Pero hindi pa ako nakaalis eh. May nagpost din doon. Hidi sinasadya pero nabasa ko yung pinost nya.
'Kilala mo nga ako! Ako nga yung wallpaper mo eh! ~X'
X???? Tiningnan ko yung nagpost at...
"Hi Kate" sabi nya ng nakangiti. Yung puso ko naman parang luluwa na sa lakas ng tibok.
"A-Alex??"
*****
Whuaahhh thank you so much po sa mga nagbasa :)
ParanoiaPrincess