Tuesday, May 10, 2016

Reaksyon tungkol sa "To the Young Women of Malolos

Ang sanaysay na ito ay patungkol sa mga batang kababaihan na gumawa ng paraan upang matupad ang hangaring makapag-aral ng wikang Espanyol. Sa unay may hindi sil pinahintulutan, ngunit hindi sila nawalan ng pag-asang balang araw ay makakamit nila ang kagustuhang makapag-aral. Sa panahong iyon ay hindi kinikilala ang boses ng kababaihan sa lipunan. Dagdag pa ang popular na pagdidikta ng simbahan sa kung alin ang mga katanggap-tanggap na kilos ng babae sa lipunan at kung alin ang hindi. Ang opurtunidad na makapag-aral ng wikang Espanyol ay ikinagalak ng marami.
Sa sanaysay na ito, ipinahayag ni Jose Rizal ang kanyang pauri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon. Ayon kay Rizal, namulat siya sa pananaw na ang mga kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikabubuti ng bayan. Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karununganay patunay ng pagkamulat sa tunay na kabanalan -kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, manilis na kalooban at matuwid na pag-iisip. Binibigyang diinni Rizal ang tungkulin ng kababaihan -bilang dalaga at asawa- sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Inilalarawan niya ang katangian ng babaeng Sparta bilang huwaran ng pagiginf mabuting ina. Ipinayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod and isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan. Isinalaysay din ni Rizal sa sanaysay na ito ang mga hindi kanaisnais na gawain ng mga prayle gayun din ang pagiging mulat sa tunay ant huwad na relihiyon. Pinapaalala din ni Rizal sa lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin ninuman.

Sa sanaysay na ito, ipinakita ni Rizal ang dalawang kamanghamanghang bagay, una ay ang katapangan ng mga kababaihan. Sa kasalukuyan, ang karapatan ng mga kababaihan ay pantay na sa karapatan ng mga kalalakihan, kung anung kayang gawin ng mga kalalakihan ay kaya na ding gawin ng mga kababaihan. Ang iba ay naging drayber ng trisikel, jeep at taxi, ang iba naman ay handang pagsilbihan ang bayan sa pamamagitan ng pagpasok sa pulisya at militar. Ikalawa ay ang kagustuhang makapag-aral. Kung noon ang mga Prayle ang hadlang sa kagustuhan ng isang Pilipino na makapag-aral, ngayon naman ay kahirapan. Lahat ng Pilipino ay nangarap na makapagtapos ng pag-aaral, ngunit dahil sa kahirapan hindi nila nakakamit ang pangrap naito. Dahil sa kakapusan, mas pinili na lang ng iba na magtrabaho na lang sa murang edad upang makatulong sa pamilya kesa mag-aral. May mga kabataan ding may ugaling katulad sa mga kababaihan sa Malolos, nagagawinang lahat at hindi nawawalan ng pag-asang makapagtapos ng pag-aaral. Ang iba ay nagtatrabaho sa umaga at sa gabi naman ay nag-aaral. Kahit anung antok ay nagsusumikap pa rin silan pumasok sa paaralan at unibersidad upang matuto.May iba din na iskolar, pinapaaral sila ng iba-t ibang ahensya, pribado man o sa gobyerno. Ang tanging kapalit ng nito ay ang makakuha sila ng matataas na grado at serbisyo pagkatapos nilang makapag-aral.

No comments:

Post a Comment